CPA Board Exam Tips: Auditing

July 03, 2017

Preview

Sa article na to, mababasa niyo ang mga sumusunod:
I. Bakit Mahirap ang Audit
II. Pano Masosolusyonan ang Mahirap na Subject Na To
III. Hardcore References in Auditing Problems and Theory
IV. Other Practical Tips

Last May 2017, I took the CPA board exam and I think everyone would agree that Auditing is one of the most time consuming subjects to deal with. This subject, during our time if I'm not mistaken has 30 problems, and 40 theory questions na sobrang pamatay! LOL.

Here are my reasons why Auditing is tough and why you need to exert EXTRA effort in this subject (Mamaya ipepresent ko kung pano masosolusyonan ang mga ito):

1. Mahahaba ang problems. Aware naman tayo dito diba? Minsan sa sobrang haba, na-iinformation overload na tayo. Unang sulyap palang, parang nakakatamad ng basahin yung problem. Mukang hindi feasible sagutan in 3 hours.

2. Hindi mo alam ang nasa isip ng examiner. Usually ang auditing problems, sariling gawa ito ng examiner. Imagine pano siya gagawa ng isang defective na questions para i-audit natin. Hindi maiiwasan na may mga phrases siyang gagamitin na iba ang interpretation sa mga examinees. Adjusted cash in bank (adjusted balance ba ito per books or per bank). At suerte pa natin na kapag yung dalawang assumptions, nasa choices!

3. Mahirap ang Auditing Theory. During our time, auditing problems and theory are merged into one subject. Before kasi magkahiwalay ang mga ito kaya required na mag-aral separately ng AudTheo. Pero nung nagrereview ako, laging alay ang AudTheo ko. As they say, pinupusuan ko nalang. Ginagapang at pineperfect ko nalang yung problems. Nakakatamad kasi mag-aral ng AudTheo dahil kahit ilang books ang basahin mo, ang examiner, napakaraming resources and test banks na kinukuhanan. Minsan nga foreign references pa eh. Sabihin ko sa inyo mamaya.

Tips and Tricks (Ang Solusyon Sa Ating Problema)

So eto na nga, ano ang ginawa kong technique para masagutan ang auditing sa board exam. Gusto ko munang liwanagin na ito ay pawang tips ko lang. Maaaring may alam kayong mas effective or baka feel niyo jinojoke time ko lang kayo, it is still in your discretion kung susundin niyo tong mga tips ko dahil for me, it's effective.

1. Basahin ang questions first before problem. Para iwas info overload, read the questions first. Kumbaga when we were in Grade 1, we were taught AGONSA (Asked, Given, Operation, Numbers, Solution, Answer). Know first what is being asked. Bilugan niyo yung questions several times. Icondition niyo yung utak niyo kung ano ang gagawin. Ano ang hahanapin sa problem? Ano ang mga possible tricks? Ano ang mga possible na pampalito? Pause for a bit. Ponder about these saka niyo basahin yung problem. Kapag alam kasi natin kung ano ang hinahanap, pag binasa natin ang problem, alam na natin alin ang relevant. Alam na natin yung puedeng itapon na info. You can now distinguish which are relevant and which are just plain noises. Kapag na-establish natin yung what is being asked, alam mo kung san ka dapat mag-ingat for possible carelessness.

2. Answer as many materials as you can. Kung may hardcore akong payo sa inyo, sa auditing at sa lahat halos ng board exam subjects, hindi ito labanan ng paramihan ng nabasa. Labanan ito ng paramihan ng nasagutan. Bukod sa minsan, kumukuha ang BOA sa mga reference na maaaring nabasa niyo na, kung sakali namang hindi, at least familiar kayo sa maraming construction ng tanong. Expose yourself to different types of questions para kung sakaling ibahin man ang format or yung construction, di kayo mag-rarattle sa board exam. Isang advantage rin ng pagsasagot ng maraming materials ay malalaman niyo yung mga assumptions na minsan ay taliwas sa interpretation niyo. Ang mga ito ay hindi makukuha sa pagbabasa ng theory books. Matututunan lang natin to sa pagsasagot ng materials. So please, answer as may questions as you can. Kahit minsan feel mo alam na alam mo na yung topic or minsan umay na umay ka na, it will truly help.

3. Refer to Sir Salosagcol's AudTheo book. I am not paid to promote Sir Jekell's book pero if there is one book na best fit for reviewers, that is his Auditing Theory book. Very concise yet comprehensive. Kapag natapos niyo na to at naintindihan yung mga principles, punta na kayo sa mga references na isusuggest ko at sagutan sila. Sa totoo lang, ang AudTheo, sa sobrang dami ng test banks, di mo na alam saan kukuha. Kaya for me (this is just my opinion), nagiging memory game na ang labanan. Effective ang magsagot at mangabisa para sakin. Dahil madalas, may mga tanong na hindi kayang pusuan. Hindi kayang icommon sense or i-context clues. Na masasagot mo lang kung naencounter mo sila.

Hardcore References

1. ReSA Quizzers. Bago niyo pagsisihan, bago kayo magtake ng board exam, siguraduhing nasagutan niyo ang Auditing Problem Quizzers ng ReSA. 3 batches nang ganito at kayang magpatotoo yung mga kakilala niyong CPA na. Leakage ba to? Hindi po ito leakage. Nagkataon lang po sigurong ang reference ng BOA examiner ay same ng reference ng ReSA, and they are not aware of it. Pero in no way na ito ay leakage and in no way na ang BOA ay kumukuha sa ReSA. Malupit na tip ko lang to pero uulitin ko, hindi ito leakage.

2. Becker and Wiley. Ito yung dalawang foreign test banks na sinagutan ko. Nangabisa lang ako ng mga ito at awa naman ng Dios may mga lumabas, Mabibili ang Wiley Auditing and Attestation sa Lare's malapit sa CPAR while you can always download Becker Auditing and Attestation test banks online. May 4 parts po ang Becker. May answer key na sila both. Again, don't blame me kung hindi kumuha dito dahil ito ay tip lamang. Hindi ito leakage. Maaaring sa batch namin kumuha, pero sa inyo hindi. Sundin at your own risk.

Other Practical Tips

  1. Lakihan ang sulat pag nagsosolve para iwas carelessness. Wag magtipid ng space.
  2. Basahin yung mga follow up questions bago basahin yung buong problem para alam niyo kung ano ano ang mga information na relevant and ano ang dapat i-save for the next questions.
  3. Gumawa ng table or T-accounts. Always make your solution are organized. Wag pahamba-hambalang at kung saan saan nakasulat, para hindi nakakalito pag ichcheck/irerevise niyo, in case na-realize niyo mali pala kayo. Keep it clean. Kung may natutunan ako, yun yung panatilihing organized ang solution sa AudProb. You may think sayang sa oras sa pag-good form or sa paggawa ng tables, pero mas sayang sa oras kung di mo maintindihan yung solution mo in case irerevise mo ito. You'll end up re-computing it again dahil limot mo na yung mga facts dahil hilong-hilo ka sa solution mo.
  4. Don't hesitate to skip a number. Kung nakaka 10 minutes ka na at isang problem lang naman, skip mo na to. Marami pang mas madali diyan. Pero kung matagal ka na at feel mo naman may kinapupuntahan ang pagcocompute mo, ituloy mo lang yan. Sayang if you will skip it kasi makakalimutan mo ulit yung mga facts pag binalikan mo. Siguro set a threshold. 3 minutes pag wala pang kinapupuntahan yung solution mo, skip na.
  5. Read the question thrice. Bilugan ang mga relevant info. Maglagay ng notes at comments para wala kang ma-miss na information. Ganto naman in real life. Auditors label, put comment and make audit notes. Gawin niyo rin to. Sobrang laking tulong.
  6. Bilisan ang pagsosolve at pagcompute sa calculator. Makukuha niyo to sa practice. Habang di pa board exam, magsagot lang kayo nang magsagot as fast as you can. Always prepare yourselves. Kapag nagpapractice kayo, isipin niyo board exam na. Iwasan na ang slack time. No Facebook. No cellphone. Hasain niyo ang fingering skills niyo sa calculator. Tipong kahit nakapikit alam mo san yung mga keys. 
You can also check my other tips in the following subjects (soon):
a. MAS
b. FAR
c. AFAR
d. RFBT
e. Taxation

You Might Also Like

1 comments

  1. Meron na po ba kayong tips sa iba pang subjects?

    ReplyDelete

Like us on Facebook