Paano Ka Kikita Through Stocks?

February 02, 2019

Stock Investment for Filipinos

Isa sa mga New Year's resolution ko nung nakaaraan ay ang pag-invest sa stocks. Siyempre, sino ba naman ang gustong matulog lang ang pera nila sa bangko na ang interest ay hindi pa makakabili ng kendi. Dapat, mas mataas ang kita ng pera natin kaysa sa inflation! You are wise enough not to put your hard-earned money where inflation devalues it.

Technically, matagal na kong nag-iinvest sa stocks through my Variable Unit Linked (VUL) Plan. Pero since may excess money ako from my kita, I thought of putting this into certain stocks once again. Kaysa naman milk tea all day diba?

Ano nga ba ang Konsepto ng Stock Investment?

Kapag ikaw ay bumili ng stocks, ikaw ay bumili ng pagmamay-ari ng isang kompanya. Let's say bumili ka ng stocks ng Jollibee, puede mong sabihing isa ka sa may-ari nito. Kung sila ay kumita, may bahagi ka rito. Kung sila ay loss, makikibahagi ka rin dito. Sa hirap at sa ginhawa kumbaga.

Bumalik tayo 20 years ago. Si Jollibee, ang stocks niya lang noon ay nagkakahalaga ng P20.00/stock. Bumili ka ng 100 stocks sa halagang P2,000. Matapos ang isang taon, kumita si Jollibee ng P10,000,000.

Kung ilan kayong may hawak ng stocks ni Jollibee, paghahatian ninyo ang dibidendong idedeklara ng bubuyog na'to.

Ngayon, marami nang gustong bumili ng stocks ni Jollibee dahil ito ay profitable. Pero ang stocks kasi, limitado lang. Nagkakaubusan sa mga gustong makibahagi ng kita nito.

Kapag may gustong bumili ng stocks ni Jollibee, bilang isang owner nito, palagay mo ba, ibebenta mo lang ang stocks na nabili mo for P20.00/share?

Alam mo naman sagot, siyempre naghuhumiyaw na HINDIIIIII!!!!

So Paano ka kikita sa Stocks?

May dalawang pamamaraan:
a. dividends
b. capital appreciation

Ang dividends ay ang idinedeklarang halaga ng isang kompanya upang ipamahagi sa kanilang stockholders na kumakatawan sa kinita nila sa isang partikular na panahon. Sa iba, ito ay taon-taon, sa iba, ito ay tuwing sangkapat (quarterly), at sa iba naman, wala una vez!

So kung ang layunin mo ay mag-invest sa dahilang gusto mo ng dividends, tumingin ka sa kanilang website's Investor Relations at financial statements at i-check ang frequency ng dividends declaration nila. Lahat ng listed companies, required ng PSE na mag-issue ng mga ganitong impormasyon para na rin sa benepisyo ng investing public.

Ang ikalawang pamamaraan ay ang capital appreciation. Tulad ng nabanggit ko sa itaas, kung nabili mo ang shares ng Jollibee for P20.00, ibebenta mo to nang mas mataas dito. The more na profitable ang company, mas nagiging "attractive"  ito sa mga investors at mas tumataas ang halaga nito.

Law of Supply and Demand rin. Kung nagkakaubusan na ng supply pero meron ka naman nito on hand, hangga't maraming gustong bumili, maaari kang magdikta ng presyo nito. Simple lang: You buy low, you sell high.

Gusto mo ba yun?

Gusto ko nang mag-stock Investment!

Kung napagdesisyonan mo nang mag-invest sa stock market, kilalanin mo ang company. Magsaliksik, magbasa at manood ng mga videos online. Ito ay hindi biro. Mataas ang return sa stock investment, pero mataas rin ang risk. Ngunit meron naman tayong mga hakbang na maaaring gawin upang ma-mitigate ang risks na ito.

Paano ma-mimitigate ang Risks na 'to?

Bukod sa pagsasaliksik at pagbabasa, kailangan mo ring tumutok sa news, mga charts, financial performance, at iba pa. Bilang isang auditor, sa sobrang busy ko, hindi ko ito kayang gawin dati. So napagdesisyunan kong magkaroon ng Fund Manager.

May mga companies like Pru Life UK, Sunlife, at iba pa na nag-offer ng Variable Unit Links. Ang mga fund manager nila ang mamimili ng stocks para sayo para hindi na hassle sayo ang pananaliksik. Binibili nila yung alam nilang kikita at tataas ang halaga pagdating ng panahon.

Fund Manager ni Pru Life UK si East Spring Investment, which happens to be the Fund Manager of Bangko Sentral ng Pilipinas. Masasabi nating eksperto na sila pagdating sa pangangasiwa ng pera, dahil mismong BSP na ang nagtiwala sa kanila.

Sa maliit ng management charges, maaari ka nang makatulog nang mahimbing dahil may gagawa na ng trabaho mo para sayo.

Nung ako'y 22 years old, bumili na ko ng VUL dahil hindi nga ako eksperto at wala pa kong kaalam-alam sa stocks. Ang maganda pa sa VUL, bukod sa investment mo sa mga blue chips stocks tulad ng Jollibee, Ayala, Aboitiz Equity Ventures, ito ay may kasamang insurance. So covered ako in case of death, critical illness, disability and accident.

Be a Protected Investor!

Sasaang-ayon ako sayo. Magandang palaguin ang pera natin sa stocks. Malaki ang kitaan dito kung ikaw ay masuring investor. Ngunit paano kung ikaw ay magkasakit o maaksidente? Ang tendency is, gagalawin mo lahat ng naipon mo. Papayag ka bang nagpakahirap ka sa pananaliksik, tapos ito ay mapupunta lamang sa hospital bills at sa doctor?

Bilang isang CPA at financial advisor, I suggest that we focus first in building our protection, before our investing. Para ano pa man ang mangyari, we're prepared and our finances will not easily collapse. Whether Pru Life UK, Sun Life or Manulife, insurance is a helpful tool and should be your first step to your financial goals.

Good thing is, these companies offer both protection and investment. Better to avail these while you are young, unmarried, no obligations and healthy, so when the necessity arises, mayroon kang madudukot.

Before I end this article, let me share to you a non-verbatim quote from Robert Kiyosaki: Do not spend your money on things that get cash from your pocket. Spend it on things that bring cash to it.

Be an investor and you'll thank your future self for the decisions that you make today!

Abangan pa ang mga susunod kong ilalathala:

a. Paano Magsimula Bumili ng Stocks?
b. Ano-ano ang Dapat Kong Tingnan sa Isang Company for Stock Investment?
c. Magkano ang Kailangan ko Upang Magsimula mag-invest sa Stocks?

Thanks for reading. Don't forget to like our page and share this article to your loved ones! Sharing is caring.

You Might Also Like

1 comments

Like us on Facebook